G-Watch Center, 22 March 2020
Kami ay nababahala sa aming nabalitaan at nabasang isang panukalang batas na inihahain ng Malakanyang para ipasa ng Kongreso para labanan ang COVID-19. May pamagat ang nasabing dokumento na
“An Act to Declare an Existence of a National Emergency Arising from the Coronavirus 2019 (COVID-19) Situation, a Unified National Policy in Connection Therewith, and to Authorize the President of the Republic of the Philippines for a Limited Period and Subject to Restrictions, to Exercise Powers Necessary and Proper to Carry Out the Declared National Policy and for Other Purposes,” o Bayanihan Bill”
Nakasaad sa panukalang iyun ang pagpapalawig ng kapangyarihan ng Pangulo kasama na ang mga sumusunod:
Naninindigan kami na hindi na kailangang palawigin pa ang kapangyarihan ng Pangulo upang magkaroon ng epektibong tugon sa COVID-19. Sapat na ito upang bigyang direksyon at liderato ang gobyerno at buong bansa sa pagsugpo ng COVID-19.
Ang kelangang palakasin ay ang kakayanan ng mga frontliners sa health sector at local governments sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng mga tulong at suporta na kanilang kagyat na kailangan.
Ito ang mga halimbawang tulong sa frontliners na kaya nang maibigay ng Central Government ngayon din, gamit ang kanyang kasalukuyang kapangyarihan:
Ang mga ito ay nakita nang epektibong pamamaraan upang epektibong ma-kontrol ng isang bansa ang COVID-19.
Sa South Korea na isa sa pinaka-maraming kaso ng COVID19, at ngayon ay isa sa may pinaka-epektibong pagkontrol ng epidemic sa kanilang bansa, ay hindi gumamit ng lockdown. Bagkus, nagsagawa sila ng mass testing para maagap ang paghihiwalay ng mga positibo at hindi. Sa ganitong paraan, naiiwasan ang hawaan at nabibigyan ng medikal na atensyon ang mga positibo ng kagyat.
Ito narin ang gagamiting pamamaraan ng Indonesia: universal mass testing, na mismong dineklara ng kanilang pangulo at gagawin sa mga health centers sa buong bansa nila. Mas epesyente nating magagamit ang ating resources dahil mas targeted ang pag-gagamitan at mas mura ito kumpara sa contact tracing tuwing may positibong lalabas.
Sa ibang bansa tulad ng Vietnam at Italy, mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan ang nagpabuti ng kalagayaan sa ilang panig ng kanilang bansa. Sa Vietnan, Singapore at China, mahusay na information at education campaign ang naging daan para ang mga tao mismo ay maging kaakibat ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19.
Sabi nga ng isang eksperto, ang mga mamamayan ang pinakamalakas na kakampi ng gobyerno sa paglaban sa isang epidemya. Dapat alam ng mga mamamayan kung ano ang dapat gawin at paano mag-uulat sa gobyerno kung sila ay may narararamdamang sintomas o may kakilala silang nakakaramdam ng sintomas.
Mahusay, epektibo at demokratikong pag-gogobyerno ang kelangan para labanan ang COVID-19, hindi pagpapalakas pa ng kapangyarihan ng Pangulo na tila pagpapasa-ilalim sa bansa sa isang diktadurya.
(Makikita ang nabanggit na panukalang bataas sa link na ito: https://drive.google.com/file/d/1fWLGdrbOsC6UHi0DJ1TAdDaMVC8B2WQU/view?u...)