By: Mary Loida Jean Ramos
Magandang araw po sa ating lahat.
Ang ating pagtitipon ngayon ay nagpapaalala sa atin ng isang mahalagang prinsipyo: mas nagiging makabuluhan at epektibo ang mga lokal na participatory bodies kapag aktibo ang mismong mga mamamayang direktang naaapektuhan ng kanilang mga desisyon. Walang mas nakakaunawa sa pangangailangan ng isang komunidad kundi ang mga taong nararanasan ito araw-araw.
Naalala ko po noong nagsimula ako bilang miyembro ng SCAP — doon nagsimula ang aking malalim na pagmamahal at malasakit para sa mga estudyante ng ating bayan. Minsan nga po, parang napapaisip ako kung bakit ko sinimulan ito — charez lang po — dahil sa dami ng hamon na ating hinaharap. Pero sa kabila ng lahat, nananatili ang saya at inspirasyon na dalhin ang adbokasiyang ito: ang pagsusulong ng dekalidad at inklusibong edukasyon para sa lahat. Naniniwala tayo na ang bawat kabataan ay may karapatang matuto at umunlad, anuman ang kanilang pinagmulan o kalagayan sa buhay.
Dito nakaugat ang Save a Seat campaign — isang inisyatiba na naglalayong palakasin ang boses at kakayahan ng mga stakeholder, lalo na ng kabataan, upang makilahok at mag-ambag sa proseso ng paggawa ng mga polisiya. Naniniwala tayo na ang pakikilahok ng kabataan ay nagbibigay ng bagong pananaw, sigla, at inobasyon na mahalaga sa pagtatakda ng agenda at pagdisenyo ng mga epektibong programa.
Sa ganitong paraan, nabibigyang-daan ang mas balanse at komprehensibong talakayan. Higit pa sa pag-upo sa isang silya sa loob ng pulong, ang layunin ng Save a Seat ay ang paghubog ng isang kapaligiran kung saan ang pamahalaan at mamamayan ay tunay na nagbabahagi ng kapangyarihan, nagtutulungan, at nagtutulak ng makabuluhang pagbabago. Ito ang ating ambag sa pagpapalalim ng demokrasya sa ating bansa.
Kaya naman, welcome sa ating Save a Seat Workshop — at sabay-sabay nating ipanalo ang tunay at makabuluhang representasyon ng kabataan sa loob at labas ng pamahalaan!
***
(Translation in English)
Good day to all of us.
Our gathering today reminds us of an important principle: local participatory bodies become more meaningful and effective when the actual citizens, who are directly affected by their decisions, are actively participating. There is no one who understands a community's needs better than the people who experience such problems every day.
I remember when I first became a member of SCAP—that is when my love and concern for the students of our country began and deepened. Sometimes, I even find myself wondering why I started doing this (just kidding!) because of the many challenges we face. But despite all of this, the joy and inspiration to continue pushing this advocacy remains: to advance quality and inclusive education for all. We believe that every young person has the right to learn and succeed, no matter where they came from, their background, or current situation in life.
This is where the Save a Seat campaign is anchored on—it is an initiative that seeks to strengthen the voice and capacity of stakeholders, especially young people, to participate and contribute to the policymaking process. We believe that youth participation gives new perspectives, enthusiasm, and innovation that are essential in setting up agenda and designing effective programs.
Through this, a more balanced and comprehensive discussion can take place. Besides being granted a seat in meetings, the goal of Save a Seat is to nurture an environment where the government and citizens genuinely share power and work together to create meaningful change. This is our contribution to deepening democracy in our country.
With that, welcome to our Save a Seat Workshop—and together, let's win true and meaningful representation for young people, both within and outside the government!
***
See attached concept and program.
Check out scenes from SAS local workshop in Naga, NCR-Bulacan and Mindanao.
- Log in to post comments